Take Me Home

19 11 2008

 

Bumiyahe ako pauwi sa bayan namin noong nakaraang Sabado, nakipagtunggali sa isang nonstop roller coaster bus ride ng mahigit dose oras na biyahe para lang sa isang bagay – ang kumain ng pansit.  Pag tinamaan ka nga naman ng baltik oo, kahit pa siguro nasa dulo ako ng mundo, uuwi at uuwi pa rin ako.  Mahirap intindihin ang simpleng bagay na ‘to pero ‘yan na ang kulturang kinalakhan ko. 

 

Ano bang meron sa lugar namin at di ko maiwan-iwan? Wala.  Kung tutuusin, wala namang ‘extra special’ sa lugar kung sa’n ako lumaki maliban na lang kung trip mong mag-kayaking sa pinakamahabang ilog sa Pinas o magtaguan-pung sa mahigit 300 kuweba na karamihan ay ginawang boarding haus ng mga paniki.  Sa kabuuan, isa lang siyang higanteng oven toaster sa sobrang init.  Ang Tuguegarao city ang pinakamainit na lugar sa Pinas, mainitin ang mga tagarito at sa tingin ko ay isang konkretong paliwanag kung  bakit mabilis ding mag-init ang aking katawan.  Yes, we are badly burned madapackingsheet ‘hot ass’ people.  Pati mismo ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salita na ang ibig sabihin ay putangina! sunog! sunog! [expletives mine]. At sa likod ng aking matipunong katawan [talagang kailangang i-emphasize na matipuno ano?] ay isang batang kailangang makauwi sa sariling bayan. May mga bagay ka talagang hahanap-hanapin dahil dun naman nagsimula ang lahat.  At may mga lugar kung saan ka nag-umpisang magkaisip, kumerengkeng, at bumuo ng pangarap.   

 

Habang kumakain ng pansit kasama ang barkada, nagbalik sa alaala ang lahat. Simple lang ang buhay ko noon sa kolehiyo.  Makikipag-inuman, papasok sa school, maghahanap ng gulo, matutulog sa klase, gigising na wala na ang mga kaklase, iinom ulit, uuwi, matutulog.  Kung kaninong bahay ako datnan ng antok, dun nako natutulog.  Bahay ko pati bahay mo.  

 

Mahirap ang naging simula ko nang magtrabaho dito sa Maynila.  Mamboboso ka na nga lang pahirapan pa, kailangan pa ng high tech na kagamitan.  Anhirap pa namang magkabit ng webcam sa CR nang hindi ka namememohan.  Di tulad sa probinsiya, sisilip ka lang sa ilalim ng kubo, o aakyat sa punong mangga, may live feed ka ng ‘porn show’ kaagad.  

 

Sa kabilang banda, nagbukas ang isang panibagong mundo sa ‘kin dito sa Maynila. Maraming taong nakasalamuha, nakilala, nakasubukan ng paninindigan, at ang iba ay nakapataasan ng ihi. Andaming realizations na nangyari. Na may malaking mundo pala sa labas ng pinanggalingan ko.  Na ang buhay ay hindi lang umiikot sa bote ng alak.  Na di kailangang manilip dahil sandamakmak naman ang libreng porn sites. 

 

Pasalamat din ako sa mga taong nakilala ko na nag-inspire sa ‘kin [kasama ka dun], nagpasensiya, nagbigay-aral at gumabay bago pa ako maging panganib sa ibang tao at sa sarili ko.  Matigas pa rin naman ang ulo ko pero marunong na ring makinig paminsan-minsan.  Minsan minsan lang. May upsides at downsides din ang pagiging matigas ang ulo. 

 

‘Bakit ikaw pre, kahit pinapagalitan tayo ng bosing natin dedma ka lang, wala kang paki’, sabi ng kaopisina ko.

‘Ganun ba.  Hindi ko napapansin’.  Talaga  ngang  walang paki.

‘Oo, ganyan ba talaga kayong mga taga-probinsiya?  Sana nga ganyan din kalakas ang loob ko’. Tsk.  Maling akala.  Wala naman ‘yan sa kung saan ka pinanganak, nasa tao yan.  O kaya naman nasa gatas na ininom n’ung bata ka pa lang.  Wag kasing umiinom ng gatas na may drowing ng power puff girls.  Pati na rin na ‘yung may kasamang freebie na hello kitty.

 

Dalawa at kalahating taon na pagkakalayo.  Andaming nangyari – nakipagtanan, nagtrabaho, live in, kinasal, naholdap, na-promote, nakipaglabing-labing, nakabuo ng bata at sa susunod na taon ay Daddy na.

 

Isang araw lang ako sa ‘min.  Balikan din ako agad matapos magpansit at konting inom kasama ang mga barkada.  Parang short time na ligaya pero sulit naman.  Hinabol ko ang huling biyahe kinagabihan.  Sakay na ko ng sleeper bus pabalik ng Maynila, napabulong na lang ako ng isang payak na panalangin baon ang isang pangakong binitawan dalawa at kalahating taon na ang nakalilipas – ‘babalik din ako, magpapayaman lang ako sandali, at kung di man mangyari ‘yun pagkalipas ng matagal na panahon,  sisiguraduhin kong uuwi pa rin ako at dyan ako mahihimlay sa katabing puntod ng aking tatay’.

 

*Picture1:  Kayaking sa Rio Grande De Cagayan ang pinakamahabang ilog sa Pinas. Picture2:  Sleeper bus.  Nakahiga kang bibiyahe para hindi ka tubuan ng almoranas sa pwet. 





Maid In The City

12 11 2008

 pugadbaboy

 

Ang mahirap sa bagong mag-asawa, ‘yung nagtuturuan kayo sinong gagawa ng ganito ganyan.  Sinong magluluto, sinong maglalaba, sinong tagamasahe atbp.  Kailangan pa naming daanin ni BebeKo sa jack en poy, pustahan sa Scrabble, at marahas na paraan tulad ng wrestling hanggang mapigtas ang hininga kung sino ba ang toka sa mga gawaing bahay.  Pero lahat ng problemang ‘yan, solb lahat ‘yan ‘pag may katulong na.  At dahil mahirap kumuha ng katulong na basta-basta na lang, nagpadala ang aking paboritong dad-in-law ng makakasama namin sa bahay galing sa probinsiya namin. 

 

Read the rest of this entry »





The Art of Being Funny

4 11 2008

 

Ang hirap sa opisina, ‘pag sinabing nakakatawa ka, akala lagi kang nagpapatawa.  Wala na ba akong karapatang maglupasay sa semento ng walang tumatawa? Makulit naman ako kung makulit.  Pasasakitin ko ang panga mo hangga’t gusto mo.  Wag mo lang akong kinakalantari ng wala sa oras lalo pa’t matagal-tagal pa ang susunod na sweldo. 

 

Lumapit sa ‘kin si bisor kanina na taga ibang departamento na hindi ko bisor.  Ang sabi, ‘Hoy komedyante ka daw.  Sige nga, patawanin mo ako’ sabay kalabit sakin. Jackass mode ako lately kaya nasagot ko ng,  ‘Hoy pangit ka daw.  Sige nga, takutin mo ako.’  Tulala si bisor. Nakabuka ang bunganga pero walang maisip na sasabihin.  Malamang hindi ito nagkape kaya hindi listo ang utak.  Hindi inaasahang ang isang tulad ko ang sisira sa sana’y maaliwalas niyang umaga.  Una hindi ako pokpok  na ‘pag gusto mong lumigaya ay pipinggerin mo lang sa cubicle ko ng bonggang bongga at liligaya ka na.  At pangalawa hindi ko siya bisor kaya naman mayabang ako. 

 

Read the rest of this entry »





Two Dads and a Funeral

28 10 2008

Tulad ng pagkakapares ng betlog ko, dalawa din ang tatay ko.  Gulat ka ‘no?  Isa itong parte ng nakaraan ko na hindi ko masasagot, pangalawa sa usaping bakit may buhok tayo sa paligid ng butas ng pwet.  Hindi mo alam ‘yon?  Subukan mong salatin ang pwet mo, meron. 

 

Pano ako nagkaroon ng dalawang ama?  To cut the story short:  Naghiwalay ang Mommy at ang kanyang unang asawang si Papa Ceasar, isang pulitiko.  Ilang buwan lang, pumasok naman sa eksena ang pangalawang asawa ni Mommy na si Papang Manolo, isang gago.  Pinanganak ako na kulang sa buwan, kaya pinagpipilitan ni unang tatay na anak niya ako na ayaw namang pumayag ni pangalawang tatay.  Konklusyon:  Tsk.  Ang ganda ng nanay ko. 

 

Mahirap i-reconcile ang ganitong sitwasyon pero sabi nga, ‘truth is stranger than fiction’.  Para sa isang lipunang ‘machismo’ at sagad sa panonood ng soap opera, wala nang bago sa ganito.  Naging isang ‘conscious effort’  na lang sa pamilya na ‘wag nang pag-usapan pa kung kaninong tamod ako nanggaling para walang partido ng pamilya na sasama ang loob.  Nakakatorete lang ng utak.   

 

Read the rest of this entry »





To the Ends of the Earth

20 10 2008

Naimbitahan akong mag-mountain climbing sa Susong Dalaga.  Alam mo naman tayong boys, makarinig lang ng bundok at suso, kahit ano pa hugis at itsura nyan, go go go! Mga bagong kakilala ko lang nag-imbita sa ‘kin, di ko sigurado kung anong mountaineering group sila basta ‘yung dalawa, taga UP mountaineering club.  Suspetsa ko lang mga miyembro sila ng Alcoholics Anonymous dahil amoy singkamas ang karamihan sa kanila, pero kahit pa siguro Seks Adiks Anonymous pa ang grupo nila, basta sinabing may libreng pakain, Zest-O juice at unlimited babol gam, sama agad ako dyan.  Haha. Isang linggo bago ang pag-akyat, nag-change venue sa bundok Gulugud Baboy sa Batangas, mas bagay daw ‘yun pambeginners.  Tsk.  Suso na naging baboy pa.

Alas dos ng  madaling araw ako gumising at lumabas ng bahay na di ko naman kadalasang ginagawa dahil ‘yun ang oras na kasagsagan ng totnakan ng mga askal na nagkalat sa barangay namin.  Inggitin pa ako ng mga hayup. ‘Arf! Arf! Look Badoodles, inggit ka ba?  Alam mo ba ‘to?  Dis is doggie style.’

 

Pagkababa namin ng Batangas, sakay kami ng nirentang dyip paloob.  Sementado na ang paanan ng bundok kaya madali na lang pumunta dun.  Nalaman ko rin na sa bundok na ‘to nagsimula sa pag-akyat sina Dale Abenojar, ang unang Pinoy sa Mt. Everest summit at si Romy Garduce.  Kung nagkataon, isa ako sa mga gaya-gaya sa kanila.

 


Pers taym ko ‘to.  Lawit dila agad ako sa sampung minuto pa lang ng pag-akyat.  Ambilis ng tibok ng puso ko, naalala ko parang tulad din nung unang beses kong nabosohan ang cleavage ni BebeKo.  Ganung ganun pati pagkakalawit ng dila. 

Read the rest of this entry »





Raffle Winner

15 10 2008

Congrats to the Raffle Winner for Project Lafftrip Laffapalooza 2008! 

To find the owner of the winning raffle number, wait for an update at majorsleepyhead.wordpress.com





Re-Raffle

12 10 2008

Magkakaroon tayo ng re-raffle para sa pagbunot ng mananalo sa premyo dito sa Project Lafftrip Laffapalooza.  Lumampas na ang sampung araw na palugit para sa nanalong si idiotsyncrasy.wordpress. com na ayon sa mga di mapagkakatiwalaang sources ay baka nasa loob pa rin ng sinehan hanggang ngayon, naipadlock sa loob ng kahon, o sadyang mayaman para magkainteres sa pera. 

 

Pormal kong pinasasawalang bisa ang pagkapanalo ni idiotsyncrasy. wordpress.com.  At sa pagbunot natin ng bagong winner, kailangang i-rambol ulit ang mga rapol number. Kung gusto niyo naman mag-request ng dating number ulit, o pumili ng numero na may kinalaman sa inyong anibersari, tanan date, o wala lang, mag-email lang sa tagapamahala ng parapol na si mareng Chona ng majorsleepyhead.wordpress.com sa yapchic[at]gmail[dot] com.  Pag walang natanggap si mareng Chona hanggang October 14 bago mag-alas nuwebe ng gabi, nangangahulugang pumapayag kayong marambol ang numero niyo.  Howkei powkei? 

 

Read the rest of this entry »





Humor Gone Mad

8 10 2008

Napanood ko sa balita ‘yung tungkol sa ginawang butt of joke ng BBC sitcom na ‘Harry and Paul’ ang pagiging Pinay domestic helper.  Foul ‘yun.  Sobrang nalungkot ako dun sa balita gusto kong kumanta ng ubod lakas na April Boys song kaninang umaga sa opisina.  ‘Umiiyak ang puso ko’t sumisigaw!  Pati ang isip at damdamin ay humihi-yawwwwww..’  Demmet dat Brits.

 

Pagkatapos nung nangyaring racial slur sa ‘Desperate Housewives’ sa US, heto na naman ‘tong Harry and Paul.  Sinasabi ng iba na baka pikon lang talaga tayong mga Pinoy.  Kung sino mang tipaklong ang nagconvince sa ‘yo nyan,  siyatap u.  Ako pikon?%$# Neber.  Dyan ka lang sa kinauupuan mo tanginiks ka, wag kang gagalaw, kukunin ko lang laptop ko, isasaksak ko sa tumbong mo.  Narinig ko na ‘yang mga ganyang comment sa radyo, tv, saka nabasa sa balot ng tinapa kaya ‘wag nang inuulit.  Hindi naman kasi simpleng kaso lang ng ‘pikon-talo’ ‘yun.  Unang lesson:  Humor is deeply cultural.  May mga nakakatawa sa isang lugar, na insulto naman pagdating sa iba.  Dito pumapasok ‘yung hinihinging kaunting sensibilities sa pagbibitaw ng birong pwedeng pagmulan ng World War III. 

 

Read the rest of this entry »





The 2008 Philippine’s 10 Funniest Blogs

29 09 2008

Kilala tayong mga Pinoy sa ating ‘sense of humor’.  Nasa dugo na natin ‘yon, nakamarka na parang numerong ‘sex-sex-sex’ sa batok natin.  Wala na tayong magagawa dun.  Ever.  

 

Napagdaanan na natin lahat ng bagyo, krisis, at karumal-dumal na career ni Madam Auring, andito pa rin tayo, surviving.  ‘Yan tayong Pinoy.  Hindi papatalo lalo na sa ating ‘Wala ka sa lolo ko’ jokes.  Walang ganyan sa ibang bansa.  Lalo na ‘yung mga jokes na kunyari may international competition na pahabaan ng etits, pabahuan ng kwan, o palakihan ng ilong, tapos sinasalihan ng iba’t-ibang lahi pero sa huli Pinoy ang nananalo.  Lumaki tayo sa pangaral at biro ni Dolphy, barkada jokes ng Tito, Vic and Joey, pati na rin scandal ni Jollibee.  Magbago man ang anyo, hugis o porma ng kung ano ang nakakatawa, pare-pareho pa rin nating binabahagi sa isa’t-isa, mula texting hanggang blogging atbp. At lumipas man ang panahon, alam nating patuloy lang ang daloy ng makulit na imahinasyon nating mga Pinoy.  [May rhyme yan o ha, o ha]

 

Ngayon, wala nang oha-oha pa, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo ang kasalukuyang best of breed Pinoy humor icons sa blogosphere ngayon sa pamamagitan ng bidyong ito na gawa ni Umleo23.  [Wag kalimutang i-buffer for viewing pleasure]:

 

 

 

At narito naman ang kumpletong resulta ng tally ng Philippine’s 10 Best Humor Blogs à.

 

Read the rest of this entry »





The Final List

23 09 2008

Pasakalye lang muna, isang hugis pusong mwahugs sa mga judges at organizers ng Philippine Blog Awards 2008 sa pagkakabilang ng kwentongbarbero.com sa 10 finalist sa Best Personal Blog  Category mula sa kulang isandaang mga nominado.  Naka-saling pusa din ang Kuya’s Unsent Letter to Bunso bilang finalist sa Best Single Post – Personal Category.  Tough luck.  Sa kabila ng mga kabulastugan natin sa site na ‘to, meron palang nasisilip ang mga kapita-pitagang hurado na mumunting ‘moral lessons’ dito na hindi nalalayo sa ‘The Little Mermaid’, ‘Hansel and Gretel’ at Batibot.   Salamat sa nag-nominate sa akin, na kung hindi ako nagkakamali ay si pareng NAC ng kotsengkuba.com.  Natatandaan ko pa, hiningi sakin ni pareng NAC noong May ang personal info sakin tulad ng pangalan, address, edad, sukat ng baywang at kinis ng hita.  Ayaw ko sanang sumali pero pinagbantaan niya akong ipapahalay sa matronang walang pustiso kung di ako papayag.   Hehe.

 

Noong mismong araw ng awarding ceremonies ko lang din nalaman na finalist pala tayo.  Medyo badtrip nga dahil di ko na-enjoy ng husto ang pagkakasali.  Nakakabitin.  Para ka lang pinaglaway sa kapirasong utong na nag-hello world ng limang segundo sa blouse tapos tinakpan ulit.  Anyhoots, congrats sa mga finalists at nanalo. 

 

Read the rest of this entry »